Custom Search

Thursday, June 26, 2008

tSk. tSk. tSk.

Ang hilig talaga nating mga Pinoy sa chismis. Kahit ano – sapatos, kasuotan, o kahit pagkain eh pinagdidiskitahan – magawan lng ng chismis eh okey na. Kahit wala na ngang makain, chismis pa din ang inaatupag. Kahit anong hugis o anyo basta chismis, buhay ka na. Kaya naman ‘di umaasenso ang Pilipinas kase kahit sa politika, chismis pa din ang pinagkaka-abalahan.


Teka nga muna, maitanong nga. Ano nga bang mapapala natin dun?

whispering

Magtatatlong taon na ako dito sa Dumaguete – isang pala-isipan kung ba’t dito ako napadpad eh pupwede din naming umuwi ng Maynila – paraiso kung saan ako nagka-isip, nagka-utak. Ba’t nga ba?

Matagal-tagal na din namang hindi ko na-ikukwento kung bakit sa dinami-dami ng pupwedeng mapuntahan ay ba’t Dumaguete pa. Nasa Iloilo ako nun, nag-aaral sa isang pamantasang hindi ko sukat akalaing huhubog sa aking pagkatao.

Ako’y isang hamak na musikero lamang. Musika ang bumubuhay sa aking pagkatao, sa aking kaluluwa. Musika ang nagbibigay kahulugan sa aking magulong pagkatao. Kahit ganun pa man, musikero pa din lang ako. At kahit ang tadhanay walang magagawa sa isang katulad ko.

Nasa Iloilo pa ako n’on, kalalabas ko lang ng seminaryo. Sa aking paglabas eh naisipan kong ipagpatuloy ang aking sinimulang pangarap, ang maging isang musikero. ‘Buti na lang ay may conservatory doon. Kumuha ako ng eksaminasyon, nagpa-audition din ako. Kaya ‘yon, sa awa ng Poong Maykapal, natanggap din naman.

Nagtagal ako ng dalawang taon sa pamantasang iyon. Ang dami kong naging kaibigan, kaklase. Tuwang-tuwa ako sa aking mga guro, sa mga leksyong kanilang itinuturo, sa kaalamang ibinahagi nila. Masaya ako. Ang dami kong minithi. Ang lawak ng mundo sa isang maliit na isdang katulad ko. Masayang-masaya ako. Akala ko. Hindi ko sukat akalaing ‘yon din ang magiging dahilan kung ba’t ako napadpsad dito.

whispering

Ako’y isang tipo ng mag-aaral na kung pupwedeng salihan ang lahat ng activities sa eskwelahan eh gagawin ko. Kulang na nga lang eh sumali pa ako sa Officer Training ng ROTC – isang kadahilanan kung ba’t ako’y napag-iinitan sa skwela dati. Di ko man naisin, ganun talaga. Ewan ko nga ba. ‘Ala naman akong masamang ginagawa. I just want to belong. Yung nga lang, siguro nai-irita sila. O baka nai-inggit lang talaga sila? Ewan.

They find me as a threat siguro. Ewan. O baka makapal nga lang talaga ang pagmumukha ko? Ewan. Basta pagkaka-alam ko, wala din naman akong tinatapakang tao. Kaya ‘yun, umiral ang pagka-Pilipino, ang kawawang isda ginawan ng chismis. ‘Di ko na nga alam kung sa’n dun yung nauna. Sa sobrang dami ba naman?! Tsk. Tsk. Ganun ako kasikat sa eskwelahan. Kahit nga sweldo ko sa trabaho eh pinagdidiskitahan pa. Tsk. Tsk. Pilipino nga talaga.

Kinaya ko lahat ng paninirang puri, lahat ng panlala-it. Nawalan ako ng kaibigan. Nawalan ako ng tiwala sa sarili. Lahat. Akala ko’y makakaya ko yaon. Pero ang lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan – kahit baso nga’y napupuno rin, kahit lobo’y pumuputok din. Natameme ako. Natahimik. Wala akong nagawa. Ni hindi ko man lamang na-ipagtanggol ang sarili ko. Napa-isip tuloy ako, “Kawawang bata, ‘alang kalaban-laban.” Hindi ko kinaya. Hindi na. Kaya umalis ako.

itutuloy...

7 comments:

The Dork One said...

tsk tsk tlaga!

come back to manila na lang

subaybayan ko to...

gillboard said...

origin story...

interesting...
hehehe

Mico Lauron said...

@leviuqse: kakayanin ko 'to.. kelangan eh..

@gillboard: mahirap magkwento ng ganito. lalo pag mali2x ung choice of words. hehehe! kaya ingat pa din ako.

feRn said...

just always remember the song from south border...

"There's a rainbow always after the rain..."

Be stRoNg dude... interesting story!Ü

Earnesthope said...

You deleted a comment...hmmm... LOL! i remember you asked me "unsay tagalog sa Department"... asus mao diay. LOL

Mico Lauron said...

@hopia: wa ko nidelete... ang author ang nidelete ato. didnt even get to read it. hahahha!

Mico Lauron said...

@fern: salamat.. yes, i am trying my best to.