Custom Search

Friday, December 17, 2010

I Write Again

My thoughts have been muted for so long.

I was in the background.

Watching from afar.

Kept silent.

Standing still.

Keeping my words waiting to burst.

With all these, I write again.

Thursday, August 5, 2010

TexT ni XanDeR

'Yon ang unang pagkakataong nasabi kong mahal ko si Xander. Hindi nya sukat-akalaing totohanan ang sa akin. Buti na nga lang at nandun din si Fatima nung mga araw na 'yon. Ganun pa man, may kabiguan ang aking nararamdaman.

"Kailangan kong ilihis ang aking nararamdaman sa mga bagay na mas kinakailangan ang panahon at atensyon ko," pakonswelo de bobo ko sa aking sarili.

Hanggang ligaw-tingin, halik sa hangin na lang ako - pasulyap-sulyap na lang sa maamong mukha ni Xander at naghahangad na mahalin siya.

"Ang bobo ko," sabay sapok sa aking noo. "Buti na lang umiba bigla ang usapan. Punyeta! Nakakahiya."

Hindi ko na muna pinansin ang aking damdamin sa takot na masaktan. Pilit kong ibinaon sa limot ang lahat ng nasabi ko kay Xander noong araw na 'yon. Parang nakaka-ilang. Nakakahiya. Pilit man itong pumiglas, dapat itong supilin.

Papatapos na ang semester at mas naging malapit kaming tatlo sa isa't-isa. Hindi maiiwasang magtampuha't mag-away. Nakakatuwang isipin, parang mga batang nasa elementarya lang kami 'pag kami ay nagtatampuhan. Ang mas maganda lang, mas nikikilala namin ang aming mga sarili at hindi namin hinahayaang matapos ang araw na hindi nagkakabati. Kung nagkakaroon ng problema, palagi kaming nagtutulong-tulong upang malutas ang aming suliranin.

"Finals na sa susunod na linggo," bakat sa mukha ni Fatima ang pag-aalala sabay kamot sa kanyang ulo.
"Oh, ba't kamot-ulo ka? May problema ba?" pangiting tanong ni Xander kay Fatima.
"Naku, nag-aalala 'yan dahil finals na eh hanggan ngayon eh 'di pa din niya natatapos 'yung term paper niya sa Pol Sci," ang tanging naisagot ko.
"Ah ganun ba? Naku madali lang 'yon. Andito naman kami ah, di ba Mico?" akbay sa aking balikat.
"Ah, eh, oo naman Fatima. Tutulungan ka namin," mangaligkig kong sagot.
"Salamat ha. 'Yaan n'yo, ili-libre ko na lang kayo ng isang galong sorbetes. Ok na ba 'yon?" nakayuko pa din si Fatima, kamot-ulo ang loka.
"Oh siya, kita na lang tayo mamaya sa apartment. Fatima, yung sorbetes ha?"

Tumakbo si Fatima pauwi sa bahay nila para kunin ang kanyang mga gamit. At siguro, para bumili na rin ng sorbetes na ipinangako niya.

"Oh tara na buddy, sabay ka na sa akin sa apartment," sabay ngiti't pisil sa aking pisngi.
"Shit! Ba't nya ginawa 'yon?!" napaisip ako. "Wala akong dalang damit pangtulog eh. Uwi na muna ako sa amin para makapagpaalam na din ako kay nanay."
"Ah ganun ba? Oh siya, sige buddy, ingat ka. Hatid na kita?"
"Ay naku buddy, huwag na. Baka makita mo pa ang bahay namin na parang tirahan ng kuwago."
"Ikaw ang bahala. Ingat ka buddy!"
"Sige. Kita na lang tayo sa inyo. Text kita 'pag papunta na ako."

Mag-isa akong naglakad pauwi noong hapong iyon. Naging malaking palaisipan para sa akin ang ginawang pagkurot ni Xander sa aking pisngi. O baka naman malisyoso lang talaga ako. Bahala na.

"Nay, andito na po 'ko." papasok na ako ng bahay ng biglang tumunog ang celfon ko.

"Ingat ka buddy ha? Mahal din kita!" text ni Xander.


itutuloy...

Wednesday, August 4, 2010

mAhaL ka ni FaTimA

"Uy Xander," sabay ngiti habang si Fatima tili ng tili't kurot sa aking braso.
"Di ba kaklase kita sa Physics?"
"Ay oo. Ba't mo naman naitanong?"
"I love you Xander!" singit naman nang lokang si Fatima.

Napangiti ang mokong.

"Ay, nga pala, si Fatima, bestfriend ko."
"Hello Fatima. Nice meeting you," magalang si Xander.
"I love you too Xander," sagot ng ilusyonadang si Fatima.
"Nakakatuwa naman ang kaibigan mo."
"Naku! Pagpasensyahan mo na ang isang 'yan. Wala lang talagang magawa."

Katahimikan.

"Ay, ano nga pala sadya mo?" para ibahin ang usapan.
"Ay oo. Yung tungkol dun sa sinabi ng titser natin sa Physics," napa-isip.
"Na?"

"Pupwede ba kitang makapartner?"

"Ha?"
natameme ako't lumakas lalo ang kabog ng aking dibdib. "Papunta nga sana kami ni Fatima sa registrar para pachange ng iskedyul. Conflict kasi yun sa major ko."
"Uy h'wag naman. Kasi..." kamot-ulo si Xander.

Ikalawang linggo pa lang ng pasukan noon. Kinailangan kong palitan ang iskedyul ng Physics subject ko dahil baka ma-extend na naman ako ng isang taon. Mahirap maghanap ng pera lalo na't hindi kami mayaman.

"Kasi parang ikaw lang yung mapagkakatiwalaan ko sa mga kaklase natin eh."

Bang! Hindi ko mawari kung ano ang dapat kong damdamin - kung kikiligin ba ako or dapat magtaka. Sa dinami dami ba naman ng tao sa unibersidad, ba't ako pa?

Doon nag-umpisa ang pagiging malapit na kaibigan namin ni Xander. Lumago ang pagkakaibigan namin. Halos araw-araw kaming nagkakasamang tatlo nina Xander at Fatima. Sabay kaming kumain. At kung sino man ang nahuhuli, kinakailangang antayin. Paminsan-minsan nga eh doon na din kami nagpapalipas ng gabi sa apartment ni Xander. Habang nag-aaral eh itong si Fatima, eto namang si Xander ay walang sawang kinikiliti ako. Nakakataba ng puso kung iisipin. Masarap sa pakiramdam. Yung parang iyong-iyo siya, wala kang kaagaw sa atensyon at oras. Magaan sa loob ko ang makitang nakangiti ang isang katulad ni Xander. Ganoon pa man, may pag-aalinglangan ang puso sa pagkakaibigang ito. Unti-unting kinakain ang pagkakaibigang aking nakasanayan at dahan-dahang napapalitan ng pagmamahal. Kahit anong pilit pigilan, lalong pumipiglas ang aking nararamdaman. Lalaki ako. Lalaki si Xander. Boom! Realidad. Bumabalik sa aking isipan ang mga salitang BAWAL at MAKASALANAN - suliranin ng isang kagaya ko. Huminto ang mundo.

Pauwi na kaming tatlo noon - si Fatima, ako, at si Xander - nang biglang

"Uy napano ka?!" takot na tanong ni Fatima
"Alam ba nilang bakla ako?" napa-isip ako't nakatulala. "Matatanggap kaya ako nina ama't ina, ni Fatima? Paano 'pag malaman ni Xander? Maiinis pa siya? Iiwas? O magiging masaya kasi naging totoo ako sa aking sarili?" isa-isang pumapasok ang mga ganyang bagay sa aking isipan.
"Hoy buddy! Ang lalim ng iniisip natin ah." Kutya ni Xander.
"Hoy! Emotera ka talaga! Baka madapa ka n'yan ha," patawang sinabi ni Fatima.
"Ha? Eh. Wala 'to. May iniisip lang."
"Ano 'yon buddy?"
"Mahal kita."
"Mahal ka namin ni Fatima, buddy!"

Punyeta! Bigo!

itutuloy...

Tuesday, July 20, 2010

si XanDeR

"Ang gwapo talaga n'ya!" sabay kurot ng kaklase kong si Fatima sa aking braso.
"Aray! Ano ba!"
"Si Xander!"
"Ha?! Sino'ng Xander?!"
"Si Xander my love. Yung Campus Crush! Oh my god!"
"Oist, baka tamaan ka ng kidlat jan!"
"Bilis, lumingon ka!"
"Ha? Ano ba?! Bakit naman?" Pilit akong pinalingon ni Fatima sabay hawak sa aking leeg.

Si Xander, kaklase ko sa Physics.

Ipinanganak si Xander na mayaman - malayo sa kinagisnan kong buhay. Siya ang tipo na mapapalingon ka't mabibighani sa taglay ng kagwapuhan. Maamo ang mukha. Parang anghel. Parang nakakatakot hawakan o lapitan man lang. Kahit daplis eh parang hindi ko magawa. Patingin-tingin na lang.

Napigilan ako. Natameme. Habang ang gagang si Fatima ay tumitili't tumatalon, sumasabay ang kabog ng aking dibdib sa kanyang ginagawa.

"Naku, akala ko kung sino," tanging nasabi ko. Deny.
"Asus! Sobra ka naman! Akala mo kung sino kang gwapo." Ang lokaret ino-okray ako.
"Sama mo naman makapagsalita!"
"'Di nga.."
"Eh totoo naman ah. Mas maraming pogi dun sa kabilang department o. Kung tutuusin nga eh mas gwapo ang tatay ko dun."
"Hmp! Panget ka!"
"Aba! Mas panget ka!"


Napigilan si Fatima. Napa-isip. Nakasimangot. Nagtatampo siguro sa akin.

"O s'ya, h'wag ka nang magtampo."
"He! Tumahimik ka!"
"Oo na, gwapo na ung Xander my loves mo."

"Talaga?!" Napangiti ang gaga. Sabay tili at lundag.

"Oo. Gwapo s'ya." Napa-isip ako.

Papunta kami sa opisina ng registrar para palitan ang iskedyul ng klase ko nung nangyari yun. Hindi batid ni Fatima na nagustuhan ko si Xander. Bawal kase yun dahil lumaki ako sa isang relehiyosong pamilya. Kung iisipin, baka dumeresto pa ang kaluluwa ko sa impyerno. Isa pa, tanging ako lang inaasahan ng inay sa aming magkakapatid. Bawal ang bakla sa pamilya. Napigilan ako. Natulala.

"Excuse me," si Xander.

Kinabahan ako.

Itutuloy...

Sunday, July 11, 2010

anG PuNo nG mAnGGa

Noong labing-walong taong gulang pa lang ako, sariwa pa sa aking alaala na masaya kaming naninirahan ng aking ama't ina sa isang bahay sa tapat ng isang malaking puno ng mangga. Abot tanaw ng aking mga mata ang napakagandang biyaya ng kalikasan. Animo'y tirahan ng mga anghel sa langit, parang isang paraiso. Taglay ng bawat halaman ang kasiyahan na binibigay ng haring araw. Nakikipagsayawan ang mga paru-paro sa ganda ng mga bulaklak at ang malamig na ihip ng hangin ay dahan-dahang hinihipan ang mga dahon ng puno. Ang lilim nito ay nagsisilbing pahingahan sa mga naggagandahang ibon. Ito ang buhay na kinalakihan ko. Isang buhay na payak.

Lumaki akong kontento sa mga bagay na ipinagkaloob sa akin ng Poong Maykapal. Hindi ako lumaki sa luho ng tao at ng mundo. Naging masaya ang aking kabataan kahit binalot ito nang mga katanungan hindi masagut-sagot nang kahit sinong nilalang. Ganoon pa man, hindi ko hinayaan na ito'y maging hadlang sa kasiyahang aking tinamasa. At dahil doon, nagsimula ang aking paglalakbay sa paghanap sa kapalarang itinalaga ng Pnaginoon para sa akin.

"Nay, pasok na po ako."
"Pagpalain ka nawa ng Diyos."
"Salamat po!"
"H'wag mong kalilimutang magpunas ng pawis. Baka matuyo 'yan sa likod mo."
"Opo, Inay."


Ang nanay ang isa sa mga mapagkalingang tao na nakilala ko sa aking tanang buhay. Ang pag-aarugang kanyang ipinakita ay ang naging gabay ko sa aking paglaki. Alam ko na lahat ng iyon ang sapat na upang mamuhay kami ng masaya kahit na ang pagsasama namin bilang isang pamilya ay paminsan-minsan ding dinadaanan ng unos. Hindi man naging madali ang aming paglalakbay sa liku-liko't lubak-lubak ng kalsada ng buhay, naging matatag kami. Hindi ko maipagkakaila na ako din, bilang isang hamak na tao, anbg napapagod din. Sa mga panahong iyon, ipinapaalahanan ako ng langit na ang lahat ng ito'y malalagpasan din.

"Kahit ibon ma'y napapagod din," pumasok sa isip ko.
"Ngunit patuloy din silang lumilipad at nabubuhay."

Napagisip-isip ko na ang aking mga pag-aalinlangan ay unti-unting nawala at pilit itong napapalitan ng kagalaka't katiyakan. Inaamin kong may mga pag-aalinglangan pa din ako dahil alam ko na ang landas na aking tinatahak ay walang kasiguruhan. Iyon ang nagpapabagabak sa aking pagkatao. Dahil doon, naghahanap ang puso't pagkatao ko ng kalinga - isang bagay na hindi ko mawari kung ano.

Doon ko nakilala si Xander.

Itutuloy...

Friday, July 9, 2010

aWakEninG

I have always wanted to have a brighter future - with all of my dreams coming true and all things I ever wished for would fall into place. I have been a child so optimistic about all these for so long. Often times, I go forward. I get amazed by what I see around me. It makes my feelings go galloping like horses not wanting to be tamed. I am bewildered because everything happens so fast. So fast that I don't know where I am and eventually, the downfall comes, I get stuck. I forget how to move forward. I struggle but I get fed up and tired which in turn made me settle for what is only beyond my reach. It made me stagnant.

Four years ago, I was wandering in the portals of a city I never thought I would relive my life - Dumaguete City. I was always fascinated by the thought that I have survived all the trials that came my way. It has enriched my knowledge, my skills, my discernment and my emotions. It was not easy. Looking back, tears cascade down my cheeks thinking of how I hate people, how friendships and pacts were broken and of how I wished things like those never had happened to me. Then, faces of those people slowly gush into my mind slowly filling my memory back again - the reason why I am always stuck in the past.

This is a come-back. A new beginning. My awakening from a long slumber. I was stuck in the past, but not this time. I have decided to move on. And yes, it is all up to me.

Friday, January 8, 2010

diLemma

Here I am again alone in the place I have called home for the past four years. I have sung every song, endured every pain, and shed every tear. I have lived a dream and I guess this is about that time when I have to wake up to the reality I have ignored for so long - to feel what I had to feel and cry until I cry no more.

It hasn't been easy. No, it wasn't.

I have nothing to boast for I am one ordinary being uncapable of turning people's heads. It is only MUSIC which gives life to my being. Without it, I am a nobody.

I begin to question myself, "What if I weren't a musician? What if I didn't know how to sing? What if I didn't have all these? Will still I be loved?" It pains me knowing that my chosen career path cannot feed a family nor sustain a man's life. But the only thing that I have always known, I was happy about it.

It was so selfish of me - to think about myself all the time. Nevertheless, there is no turning back now. Even if I were given another option, I would still be doing the same thing.

Often times, I wonder what life could have been for me if I weren't I am now.

Will I still be the me that I am now?

Will I still be meeting the same people?

Would have I still known love?

Would have I existed?

That'll forever be the question that would stir my mind.