Ako'y isang tipo na akala mo'y hindi kaagad-agad sumusuko. Yung tipong kunwari okey pa, pero sa kaibuturan ng pagkatao eh durog na durog na. Yung tipong pinapaniwala ang sarili na magiging matiwasay ang lahat kahit alam mo nang hindi. Kahit kitang-kita na. Nagbubulag-bulagan pa din. Tao nga talaga ako. Tao nga ba? O baka tanga nga lang talaga?
Ganun ako. Kahit alam kong sinisiraan na ako n'on eh parang okay pa din lang. Umaasa sa wala. Para akong nakalutang sa hangin. Mga "kaibigan" ko din naman kase sila eh. Di ko kase inakalang mesa Hudas din pala ang mga yun. Kase nga nagbibisi-bisehan ako sa eskwela. Kasi nga tanga! Ungas!
"Talaga lang?! Eh bat naman kelangang lumipat? Apektado siguro..."
Dinig na dinig ko lahat. Hanggang ngayon. Mas malinaw pa sa sikat ng haring araw. Titser ko yaon. Gumuho ang mundo ko - yung taong nirerespeto ko't tinitingala, pinatulan din ang lahat ng kagaguhang kumakalat sa aming departamento. Napatingin ako sa kanya. Hindi nya kase alam na andun ako, nakikinig.
"Sir, andito po siya sa kwarto..." pabulong na sinabi ng kasamahan namin.
Natigilan siya. Natahimik ang loko. Ang mukha'y parang di maipinta. Tsk. Tsk. Tinitigan ko siya. Di niya napigilang mapayuko. Napahiya siguro. Ewan. Ako? Ayon, pumunta ng opisina ng dean sabay rekwes nga transcript. Simula n'on, di na ako pumasok. Ulol! "Okey lang yun, h'wag mong dibdibin. Ganun ka ka-importante sa kanila," pakonswelo ko sa aking sarili. Pero alam ko, kahit ano pa karaming pakonswelo de bobo ang ibigay ko sa sarili ko, habang buhay nang tatatak yan sa kukote ko. Masakit eh. Para akong nilibing na buhay.
Kaso nga lang, sabi nga nila, "Ang masamang damo hindi madaling mamatay."
Naging mahirap para sa akin tanggapin ang mga nangyari. Ang bilis ng oras. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang. Sariwa pa ang lahat ng nangyari. Hindi pa nahilom ang sugat na dulot ng mapangahas nilang pangangalispusta sa akin.
Ewan ko. Ibinuhos ko na lang sa trabaho ang lahat ng aking dinaramdam. Kung naging tao lang ang mikropono, tiyak patay na. Sa sama ng loob ko, nakaya ko pa ding mapatawa ang mga kustomer namin. Nagtatrabaho din kse ako bilang isang stand-up comedian kahit nag-aaral pa ako. Hindi ganun kadali para sa'kin yaon - ang patawanin ang ibang tao kahit alam mong durog na durog ang puso't pagkatao mo. Kinaya ko, kahit masakit. Naniniwala pa din kse ako sa kabutihang taglay ng bawat tao kahit sinaniban na ito ng lahat ng klase ng demonyong makikita mo sa mundo. Ang dami kse ng anyo ng demonyo - merong mataba, payat, relihiyoso, guro, doktor. Ewan. Basta ganun yun. Me sa kung anong demonyong pumasok sa ulo ko't ganun pa din ang pananaw ko sa buhay. Tanga nga talaga.
itutuloy...
4 comments:
Maraming klaseng demonyo... parang baboy lang ah. LOL
@earnesthope: bitaw... salamat sa song ninyo.. dadto ko nakakuha ug idea.. wahahaha!
makarelate ko even though i don't know exactly what kind of hell you went through.
you're a pretty tough man to still be standing with sanity.
@flinch: mahirap talaga mamatay ang masamang damu. kaya tingnan mo, buhay pa din ako.. whahaha!
Post a Comment