Custom Search

Wednesday, August 4, 2010

mAhaL ka ni FaTimA

"Uy Xander," sabay ngiti habang si Fatima tili ng tili't kurot sa aking braso.
"Di ba kaklase kita sa Physics?"
"Ay oo. Ba't mo naman naitanong?"
"I love you Xander!" singit naman nang lokang si Fatima.

Napangiti ang mokong.

"Ay, nga pala, si Fatima, bestfriend ko."
"Hello Fatima. Nice meeting you," magalang si Xander.
"I love you too Xander," sagot ng ilusyonadang si Fatima.
"Nakakatuwa naman ang kaibigan mo."
"Naku! Pagpasensyahan mo na ang isang 'yan. Wala lang talagang magawa."

Katahimikan.

"Ay, ano nga pala sadya mo?" para ibahin ang usapan.
"Ay oo. Yung tungkol dun sa sinabi ng titser natin sa Physics," napa-isip.
"Na?"

"Pupwede ba kitang makapartner?"

"Ha?"
natameme ako't lumakas lalo ang kabog ng aking dibdib. "Papunta nga sana kami ni Fatima sa registrar para pachange ng iskedyul. Conflict kasi yun sa major ko."
"Uy h'wag naman. Kasi..." kamot-ulo si Xander.

Ikalawang linggo pa lang ng pasukan noon. Kinailangan kong palitan ang iskedyul ng Physics subject ko dahil baka ma-extend na naman ako ng isang taon. Mahirap maghanap ng pera lalo na't hindi kami mayaman.

"Kasi parang ikaw lang yung mapagkakatiwalaan ko sa mga kaklase natin eh."

Bang! Hindi ko mawari kung ano ang dapat kong damdamin - kung kikiligin ba ako or dapat magtaka. Sa dinami dami ba naman ng tao sa unibersidad, ba't ako pa?

Doon nag-umpisa ang pagiging malapit na kaibigan namin ni Xander. Lumago ang pagkakaibigan namin. Halos araw-araw kaming nagkakasamang tatlo nina Xander at Fatima. Sabay kaming kumain. At kung sino man ang nahuhuli, kinakailangang antayin. Paminsan-minsan nga eh doon na din kami nagpapalipas ng gabi sa apartment ni Xander. Habang nag-aaral eh itong si Fatima, eto namang si Xander ay walang sawang kinikiliti ako. Nakakataba ng puso kung iisipin. Masarap sa pakiramdam. Yung parang iyong-iyo siya, wala kang kaagaw sa atensyon at oras. Magaan sa loob ko ang makitang nakangiti ang isang katulad ni Xander. Ganoon pa man, may pag-aalinglangan ang puso sa pagkakaibigang ito. Unti-unting kinakain ang pagkakaibigang aking nakasanayan at dahan-dahang napapalitan ng pagmamahal. Kahit anong pilit pigilan, lalong pumipiglas ang aking nararamdaman. Lalaki ako. Lalaki si Xander. Boom! Realidad. Bumabalik sa aking isipan ang mga salitang BAWAL at MAKASALANAN - suliranin ng isang kagaya ko. Huminto ang mundo.

Pauwi na kaming tatlo noon - si Fatima, ako, at si Xander - nang biglang

"Uy napano ka?!" takot na tanong ni Fatima
"Alam ba nilang bakla ako?" napa-isip ako't nakatulala. "Matatanggap kaya ako nina ama't ina, ni Fatima? Paano 'pag malaman ni Xander? Maiinis pa siya? Iiwas? O magiging masaya kasi naging totoo ako sa aking sarili?" isa-isang pumapasok ang mga ganyang bagay sa aking isipan.
"Hoy buddy! Ang lalim ng iniisip natin ah." Kutya ni Xander.
"Hoy! Emotera ka talaga! Baka madapa ka n'yan ha," patawang sinabi ni Fatima.
"Ha? Eh. Wala 'to. May iniisip lang."
"Ano 'yon buddy?"
"Mahal kita."
"Mahal ka namin ni Fatima, buddy!"

Punyeta! Bigo!

itutuloy...

4 comments:

aryan said...

AHA! sinasabi ko na nga ba!

Jake said...

Hahaha! Excited ako sa concluding part nito.

:)

lai said...

more! more! more! excited na ko sa susunod na part. =)

Mico said...

@aryan: di pa to ang last part ng story. hehehe!

@Jake: Hi yah there Jake! Thanks for visiting me again..

@lai: Thanks for visiting my blog. Hope to see you again!