Custom Search

Tuesday, July 15, 2008

PaGhaHanGaD

May mga bagay-bagay na mahirap palita’t alisin kung ikukumpara sa iba lalo na’t nakasanayan na natin ito. Ang mga bagay na parati nating iniisip ay hindi na umiiba’t sinusunod lamang ang mga nakasanayan na. Nalilimutan nating tayo ay kailangang maliwanagan at dapat gabayan. Nalulugmok tayo sa isang malaking kawalang hindi natin alam kung ano. Alam ko ‘yan sa akin sarili. Kinokontrola ko ang aking buhay at binubuhos ang aking lakas sa mga maliliit at walang-kabuluhang limitasyong iniisip kong kaaya-ay’t katangap-tangap. Nakakalimutan ko ang ibang alternatibo ng buhay.

Mahirap harapin ang pagbabago. Nakakatakot kase kung iisipin. Tinatanggap ko ito ng walang halong pangamba at kung kinakailangan. Pero may isang bagay akong napuna, hindi ako ganoon ka bukas sa iba’t-ibang pagbabago ng buhay – naging kumportable ako sa aking araw-araw na ginagawa’t mga obligasyon. Subalit ang aking kaluluwa’y pinapaalalahanan ako na ang pagtuklas ay libangan ng buhay, na ang pag-eeksperimento’y partisipasyon natin at ang mga bawat pinagdada-anan natin ay pamamaraan ng buhay upang maipabatid sa atin na ito ay walang hangganan at tayo ay hindi. Na ang lahat ng ito’y lilipas din. Na ang buhay natin ang hiram lamang.

Iba’t-ibang klase na din ng tao ang nakilala ko sa aking buhay – may mga lalaking sensitibo at mapag-aruga at meron ding mapangahas at mapanlinlang. May mga babaeng sinsero at totoo sa kanilang sarili at meron din namang inggitera’t mapagmataas. Nakakita na din ako ng mga ngiting puno ng kasinungalingan at mga luhang basang-basa at punong-puno sa katotohanan. Naging bahagi na din ng buhay ko ang mga taong malalaki ang mithiin sa buhay pero wala naman ginawa para makamtan ito – mga taong mahilig gumagawa ng pangako pero hindi naman ito tinutupad. Nakita ko ang aking sarili na pilit kong iniintindi ang lahat ng klase ng personalidad na ito at iwasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay kalungkutan sa aking buhay.

Kaninang umaga, pagkagising ko, humarap ako sa salamin. Nagtataka ako. Napa-isip. Mas matanda na ako, ang buhok ko’y pagod na din at ang kinang na dati’y nasa mata ko pa noong bata ay nawala na. Unti-unting nawawala ang kabataan ko kasabay ang sigla nito. Napalitan ito ng pag-aalinlanga’t pag-aalala, ng kalungkutang hindi ko mawari kung ano ang sanhi.

Sa isang saglit, natauhan ako. Ang mukha sa salamin ay nagbabago sa harap ko. “Nah! Baka hindi ka lang nakapag-ayos ng sarili mo,” nasabi ko. Pero sa kailaliman ng aking pagkatao, alam ko na ang lahat ng ito’y mga pagbabagong kinakailangan kong harapin. Kagaya ng parati kong ginagawa, ngumiti uli ako sabay sabing “Hindi ka naman ganoon ka panget, hindi pa matanda.” Pero hindi din ito umubra. Linakihan ko pa ang pag-ngiti na para bang nakabungis-ngis na sa pag-aakalang makakahanap ako ng konswelo sa aking ginagawa. Ni hindi nga din iyon nakatulong. Siguro, ito’y paalala na kinakailangan ko nang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin, harapin ang pagbabago ng walang takot at bumangon sa aking pagkakalugmok. Kinakailangan kong ipagpatuloy ang aking buhay. Ang dami pang dapat tuklasin, dapat makita.

Nangungulila ang puso ko sa mga taong naniniwala pa din sa mga bagay na ipinapamulat ng buhay, sa mga katotohanan nagbibigay lakas, sa pagiging sinsero sa lahat ng oras, sa pag-kalinga, sa pagkakaibigan. Higit sa lahat, ngangungulila ang puso ko sa mga taong alam kung ano talaga ang pag-ibig at kung paano maging kaibig-ibig. Naghahanap ang puso ko ng paraiso kung saan ang lahat ng tao’y magkani-ig – na tanging iniisip lang ay ang mga bagay na makakapagbigay kasiyahan sa ating mga puso – pagkakaibiga’t mga mithiing inaasam nating lahat. Nangungulila ang puso ko sa panahong tanging pag-ibig at pagkakaibigan ang pinaka-importante at pinakamasayang parte ng ating buhay.

Paminsan-minsan, nalulungkot tayo sa landas na ating tinatahak at ang mga taong naging parte nito. Unti-unting binabalot ng kalungkutan ang ating pagkatao. Hindi natin naiiwasang tanungin ang ating mga sarili kung ano talaga ang kahulugan ng lahat ng ito sa ating mga buhay.

Sa bawat araw na dumadaan, nakikita ko na may mga taong mas malaki pa ang dinadala’t pinapasang kalungkuta’t pag-aalinlangan kung ikukumpara sa akin. Iyon nga lang, mas alam nila kung papaano harapin ang lahat ng iyon na may tapang at determinsayon. Napa-isip uli ako. Kung iisipin kase hindi naman siguro ganoon kalaki at kabigat ang mga pinapasan ng puso ko – na kinakailangan kong maging masaya, maunawai’t mapag-mahal. Kailangan ko pang magsikap at magpunyagi para makamit ito. Ito’y nagbibigay sa akin ng lakas upang magtiwala sa aking sarili at sa aking mga munting kakayanan. At higit sa lahat, magpasalamat sa mga bagay na meron ako sa bawat araw ng aking buhay.

8 comments:

Jake said...

Painfully candid and honest. This entry is not exactly lyrical (as I think it does not intend to be one) but engages the reader who will pay close attention. Dude, you should submit your writings to Danton Remoto or Neil J. Garcia (editors of Ladlad series). You are one talented guy. If you're in Manila. I'll refer to you to Spotlight Artists Centre. There is an on-going integrated seminar (conducted by award-winning director, Nestor U. Torre) which combines acting, scriptwriting and directing workshops for 4 months. Sayang ang talent mo dude, you should exploit it. You may be the next Ricky Lee or Lex Bonife hehehe.

Mico Lauron said...

@jake: salamat po sa papuri. unfortunately, nasa dumaguete city po ako sa kasalukuyan. i write my heart not my mind kaya siguro ganun. ewan. pero salamat talaga.

The Dork One said...

ang sad ng entry T____T

is there something wrong with me, kasi i still have twinkles in my eyes kapag humaharap ako sa salamin, abnormal ako eh

Mico Lauron said...

@leviuqse: siguro sira lang ang mga mata ko... wahahaha! o baka ewan...

Anonymous said...

change is something we cannot avoid. that said, i can totally relate to the sentiments.

hay..mico, ang buhay nga naman...

TENTAY™ said...

"Sa bawat araw na dumadaan, nakikita ko na may mga taong mas malaki pa ang dinadala’t pinapasang kalungkuta’t pag-aalinlangan kung ikukumpara sa akin."

ayon oh, nice realization. =) consider yourself lucky. heheheh. apir!

Luis Batchoy said...

ganda ganda...wala akong masabi kundi

mabuhay ka
Live more
love more
write more
sabi ni Maria Rilke
To endure, that is all

Mico Lauron said...

@flinch: paminsan-minsan hindi nga talaga maintindihan pero kinakailangan eh. ganyan talaga... :)

@tentay: yup. dami ko ngang narealize. masaya ako dahil dun... hehehehe!

@luis: endure talaga.. hehehe! ika nga nila, masakit pero masarap. chak! hahaha!