Mahilig akong magsulat. Kahit nga home-made cards eh pinagdidiskitahan pa. Emosyonal ako. ‘Yon ang isang malaking kahinaan ko. Buong-puso kong inaamin yaon. Nasisiyahan kase ako sa mga konting bagay na ginagawa ng tao para sa akin. Pinahahalagahan ko yaon. Paminsan-minsan, dahil sa kahinaang ‘yon, parati akong nasasaktan.
Ika-25 ng Mayo, naisipan kong gawan siya ng card. Kahit sa ganoong paraan eh maalala niya ako. Ibinuhos ko ang lahat ng aking nararamdaman – saya, galit, puot, pagkabigo, lungkot at kung paano niya napasaya ang puso ko kahit saglit lang. Kung paano niya pinuno ng kulay ang buhay ng isang isdang katulad ko na nasa isang malaking kawalan sa malawak na karagatan. Hindi ganoon kadali magsulat ng mga bagay na iyon lalo pa’t konting panahon lang naman ang pinag-samahan naming. Kung tutuusin nga eh hindi dapat dinidibdib ang mga bagay na nangyari sa isang lingo. Ganoon pa man, naging parte na din siya ng aking malungkot at puno ng pagkabagabag na pagkatao. Sa oras na ‘yon, pakiramdam ko pasan ko ang bigat ng mundo. “Kakayanin ko ‘to.”
Ang bawat araw na lumilipas ay siyang katumbas ng kahilingan kong hindi matuloy ang pag-alis niya. Nasa isang mall ako noon. Naka-upo sa foodcourt habang nag-aantay ng oras. Papunta kase ako sa tagpuan namin. Datapwa’t, nabago ang lahat - nabago ang pagkatao ko. Kahit ilang baldeng luha pa ang ibuhos ko, hindi na mababago ang lahat. Ang aking nadarama para sa kanya ay ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng lakas para harapin ang lahat. “Hopeless romantic,” ika nga nila.
Mag-aalas siete na ng gabi noong kami’y nagkita. Andoon ang lahat – ang mga kaibigan naming todo suporta. Masaya silang nakikita kaming magkasama. Kasabay noon ang pangambang isa sa amin ang masasaktan. Ganoon pa man, kahit sa aking kalungkutan, ay napapangiti pa din niya ako. Hindi ko iniisip ang lahat. Walang oras na sinayang. Dapat masaya palagi. Sa aking pag-ngiti, kasabay ang kirot na nadarama ng aking puso.
Masaya akong nakikita siyang nakangiti. Yong ngiti na wari’y walang dinaramdam. Na walang inaalala. Masaya ako kapag nakikita siyang ganoon. Napa-ibig akong lalo.
“May ibibigay ako sa iyo,” sabay bigay ng card.
“Wow! Salamat! Matagal-tagal na din akong hindi nakatanggap ng card.” Kinurot niya ang aking pisngi.
Hiyawan silang lahat. Hiyang-hiya ako. Abot-tenga ang ngiti ko. Lumakas lalo ang kabog ng aking dibdib.
“Salamat sa pagiging maaalahanin,” dugtong niya. Binuksan niya ito sa harap ng aming mga kaibigan at binasa. Napangiti uli siya.
“Pasensya ka na kung ‘yan lang ang maipapabaon ko sa’yo,” nakayuko kong sinabi sa kanya.
Hindi na siya umimik. Tiningnan niya ako sa mata – parang may ipinapahiwatig. Isang bagay na hindi na kailangan pang sabihin. Naintindihan ko iyon. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Natahimik ang puso ko.
itutuloy…
7 comments:
habang mekarugtong akong nababasa lalo akong nagwoworry kung anong kahihinatnan ng story mo...kumikirot sa puso ang mga pangyayari.
Friend, a piece of me want to tell you to please stop and freeze this happy moment. Another part of me want to tell you to continue and face your fate. Baka hindi ko kayanin ang ending nito hehehe.
pwede kayang sa ending na lang ako mag-comment? hehe
hehe wow! ang galing mo sumulat ng kilig moments!!!
keep it up ^^
When she got the card, at least you get to see her reaction - She was happy.
I made a card for someone and sent it by air 3 weeks ago, I didnt get any response. :( No reaction. No Thank you. Nada. Oh well. Just sharing. hehe. I'd like to see the ending of your story, so I will be dropping by regularly.
Cheers
Naks naman napaka sweeet!~!
@flinch: naiintindihan ko ay iyong nararamdaman! chak! nose-bleed... hahaha! seriously..
@jake: i wish i could rewind eveything too and freeze at those kilig moments. but i just cant. i wish i could.
@echo: o siya sige tatapusin na nga! tse! chak!
@leviuqse: dinadaan na lang sa sulat. kilig nga. masakit naman. tsk!
@roxy: thanks! at least you did your part. nothing to worry hunny..
@tentay: hehehe! noon yun.. iba na ngayon.. hehehe!
Post a Comment