Hindi lang isang beses nang-yari ‘yon. Sa dami ba naman ng nainom namin eh kung ano-anong kalokohan ang pinagtanong ng kaibigan ko. Dare na naman ulit. Sabay tawanan kaming tatlo.
“Alangan namang sumali ako sa inyo,” pabirong sabi ng kaibigan ko. Mekalasingan na din kaming tatlo n’on. Na-iilang pa din ako. ‘Di ko pa kase ganun kakilala yung tao eh ayon naghahalikan na kami. Napatingin ang isda sa akin sabay halik sa labi ko. Kinabahan ako.
“Hoy! Ano ‘yang ginagawa ninyo? Ang babastos niyo ha! Tse!” ‘Di namin pinansin ang kaibigan ko. Tuloy pa din kami sa aming ginagawa. Napangiti’t napatawa ang kaibigan ko.
“I guess my job’s done. Pwede na siguro akong umalis,” pangiting sabi ng kaibigan ko. Natigilan kami. “Sa’n ka pupunta?” tanong naming dalawa. “Eh ‘di uwi na! Tse!” sabay dampot ng telepono para tumawag sa front desk.
Ilang saglit pa at dumating na ang taxi ng kaibigan ko. “Alis na ako. Enjoy the night! Talk things out.” Ang mokong napakindat. Kung nakipagpustahan ako eh tiyak panalo ako. Plinano nga talaga ang lahat ng ito. Ganun pa man, ‘di ako nagsisisi. ‘Di ako nagalit. Napangiti ang puso ko. Ang pananabik ko sa alak ay unti-unting nawala. ‘Di na naming napiligan ang kaibigan ko. Kaya ayon, umuwi na din.
Naiwan kaming dalawa sa kwartong iyon. Nagkatitigan. Walang umimik. Walang nagsalita. Nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa amin. Niyakap niya ako. Damang-dama ko ang katiyakang matagal ko nang hinahanap. Nawala ang lahat ng lungkot ko. Masaya ako. Masaya ang puso ko.
“Ligo muna ako. Mahirap nang magkasipon. Tumatagal kase sa’kin ang ganung klaseng sakit.” Tumayo ako’t pumunta sa banyo. Hindi ako lumingon sa kanya. Takot ako. Takot ang puso ko.
Maraming bagay ang pumasok sa ulo ko n’ong mga panahong iyon – kung ba’t ako nagpa-iwan sa isang estranghero, kung bakit andito ako, kung bakit masaya ako kasama siya, kung ba’t magaan ang loob ko sa kanya. Tinuloy ko ang aking paliligo. Ang bawat patak ng tubig na tumutulo ay katumbas ang bawat tanong na nasa ulo ko. Napatulala ako. Napa-isip. Tahimik.
Hindi ako nagtagal sa banyo. Hindi kase ako ang tipo na isang buong taon kung maligo. Lalo na’t lapitin ako sa sipon. Bawal sa akin ang magbabad sa tubig. Paglabas ko ng banyo eh sumunod siya. Niligpit ko ang kalat sa kwarto. Napa-upo ako sa kama. Tulala pa din. Tahimik. Nag-iisip. Napahiga ako sa kama. Ganun pa din ako, nakatulala habang nakatingin sa kisame. Maginaw sa kwarto. Ilang saglit pa ay lumabas na din siya ng banyo.
“Tulog ka na?” tanong niya sa akin sabay patay ng ilaw. Tanging ang desk lamp na nasa mesa ang nagbibigay liwanag sa madilim na kwarto. “Oo. Pagod na din kase ako.” Napahiga na din siya. Niyakap niya ako. Niyakap ko din siya. Ramdam ko ang init ng kanyang yapos. Napawi ang aking pagkabagabag. Natahimik ang puso ko. Nabura lahat ng tanong sa ulo ko. “Mabuti na ang ganito,” sabi ko sa aking sarili.
“Mahal kita,” pabulong niyang sinabi sa akin. “Gusto din kita,” tanging sagot ko.
Napa-isip ako, “Ba’t nya nasabing mahal niya ako eh hindi pa nga kami nagkakilala ng lubusan?” Tsk. Tsk. Ang buhay nga naman oo. Paminsan-minsa’y ‘di nga talaga natin maintindihan.
Napahigpit ang yakap niya sa akin. Ganun din ako. “Kaso aalis din ako. Baka hindi rin ako magtagal dito sa Iloilo.” “Ba’t san ba punta mo? Uuwi ka?” “Oo.” “Ah, balik ka na ng Maynila?”
“Hindi. Balik na akong Amerika.” Nabigla ako. Napa-upo. “I hate you!” sambit ng aking mga bibig. Nabalot ako ng pangamba, ng kalungkutan. Niyakap niya akong muli. “Sana hindi na lang tayo nagkakilala kung ganito din lang naman pala,” patampo kong sinabi sa kanya habang naka-upo sa gilid ng kama. “Sorry.” Batid niya ang lungkot na aking nadarama. Niyakap niya uli ako. Isang paalala na magiging okey ang lahat. Pero hindi ganun kadali ang lahat.
Tanging mga yakap at halik niya ang naging kanlungan ko nung gabing iyon. Inantay ko hanggang sa makatulog siya. Nasa balikat ko ang kanyang ulo. Naging mahimbing ang tulog niya. Hindi ko napigilan ang aking sariling tingnan ang maamo niyang mukha. Parang anghel. Walang bahid ng pag-aalala. Napangiti ulit ako. Kung noong una eh isang isda lang ang naging tinging ko sa kanya, sa mga oras na ‘yon ay naiba ang lahat. Isa siyang kaluluwang naghahanap ng aruga’t pagmamahal. Isang nilalang na kagaya ko. “Kaya naman pala naging magaan ang loob ko sa kanya.” Dahil doon, nabago ako. Mula sa pagiging isdang nasa kawalan ng malawak na karagatan, naging tao muli ako. Napa-ibig ako. Nasaktang muli. Sana hindi na natapos ang gabing ‘yon. Sana.
itutuloy…
7 comments:
speechless po ako...para 'tong tv show na inaabangan ko.
i had goosebumps.
@flinch: hahahaha! ganun ba? salamat ha... hehehe!
Grabe na ito! I crave for more. Makes me remember about my 20-something days hehehe.
@jake: yeah. my early twenty something years too... hehehe! sarap maalala lahat...
WOW
you write so well!
daming hearts!
I agree.... magaling kang sumulat. From part 1 to part 3 talagang sunod sunod ang basa ko at still ina-abangan ang part 4. Galing!
@leviuqse: salamat po...
@lyka: thanks for continuously visiting my blog and reading my posts.
Post a Comment