Nasa Dumaguete ako sa kasalukuyan - nakikipag-sapalaran pa din sa libo-libong mag-aaral sa pamantasan ng Silliman. Magbe-bente kwatro na ako. Kung iisipin eh dapat nagtatrabaho na ako. Nasa eskwela pa din ako hindi dahil bobo ako kundi dahil sa palipat-lipat ako ng pamantasan.
Iba ang diyalekto dito - Bisaya kung tawagin. Mahirap sa umpisa lalo na't hindi ako nasanay sa ganung klaseng pananalita. Pero kailangang matuto. Mahirap na kaseng mabenta! (Joke lang po!)
Matagal-tagal na din akong hindi nananagalog dito kaya naisipan kong mag-trip gamit ang aking celfon. Hindi kasi sanay ang mga tao dito sa Tagalog. Nakakaintindi sila, oo, pero inaamin din nilang nahihirapan sila sa pagsasalita nito. Dahil sa wala akong magawa, may na-isip akong gawin. Bago ako matulog eh naisipan kong magpadala ng mensahe sa mga kaibigan ko. At heto ang naging laman nun:
"Matagal-tagal na din akong hindi nananagalog. Bisaya na lang kase araw-araw. Kaya eto. Hmm.
Kainis isipin na nalulungkot pa din ako lalo na kapag naaalala ko ang mga napagdaanan ko. Pilit ko mang iwasan ay nagpupumilit itong bumalik sa aking isipan. Nalulungkot ako at may mga tao akong nasaktan. Pasensya na po. At salamat sa patuloy na pag-unawa. Alam ko pong hindi sapat ang lahat ng mga salitang ito para maibsan ang sakit at sama ng loob na naidulot ko. Tinatanaw ko pong malaking utang na loob ang makilala kayo at maging parte ng aking masalimuot na buhay. Sa konting panahong nagkakilala tayo, ang dami ko pong natutunan. Salamat po.
-Mico"
Apat na bahagi ang mensahe. Salamat at uso ang unlimited texting. Mahirap na kaseng magpaload lalo na't napakamahal na ng mga bilihin. Sabay hang ng celfon ko. Kainis!
"Hala Mico, mura man intawon kag magpakamatay ani mesidja! Mura naman kag namiya-miya! Naunsa man intawon ka oi?! (Hala Mico, para ka namang magpapatiwakal sa mensahe mo! Namama-alam ka na ba? Ano ba'ng nangyayari sa'yo?)"
Naalimpungatan ako. Napatawa. May nag-aalala pa din naman pala sa akin kahit papaano.
Ang weird nga lang ng ibang tao. Akala nila eh magpapakamatay daw ako. Nag-eemote na sana ako pero hindi ko napiligilang mapatawa. Napa-isip tuloy ako. "Mukha bang namama-alam na ako?! Hindi naman ah!" Paulit-ulit kong binasa ang mensahe ko. Wala naman akong nakitang rason para makapag-isip sila ng ganoon.
Ang dami kong replies na natanggap. Naging epektibo ang akin mensahe. Natatawa nga ako sa ibang nagrereply kase dumudugo na daw ilong nila sa kakabasa. Ang iba nama'y nagpasalamat.
"Mico, lalum kaayo! (Mico, ang lalim naman n'un!) Love you!" text ni Joyce.
"Smile! Thank you! Makahilak kog popcorn aron. (Baka umiyak ako ng popcorn neto!)" naging sagot ni Abby.
Hindi ko na nabasa lahat ng mga replies nila. Umaga na noong nakita kong puno ng mga mensahe ang inbox ko. Nakatulog na kase ako. Ganoon pa man, naging masaya ang gising ko. Bumalik ang ngiti sa mukha ko. Salamat po sa inyo!
19 comments:
Emo ka talagah ever! Wag masyadong ganyan ha! Baka sa susunod, wala ng mag-text back sa yo! Chos!
Peace-Peace! (Ibon)
Pis-sot!
hehehe! Parang "the boy who cried wolf" ata ung dating ko. chak! hindi naman sa ganun. nagpapasalamat lang sa mga tao. hehehe! Napangiti nga ako't napatawa sa mga replies nila...
Atleast may mga taong nagmamahal pa rin sau di ba? nasa blog roll mo pala ako, salamat.
natanggap mo ba yung reply ko?
ay hindi mo pala ako pinadalhan ng text! ;) chos!
yes emo ka daw buti nga at sumagot sila saiyo dahil kung ako itetext mo mawiwindang lang ako no. hahahahhaha
sobrang natutuwa ako magbasa ng bisaya at super iniintindi ko... un ex kong featured na demonyo sa blog ko half cebuano eh. hehehhe. kaya ayon napaparaktis ako pero ngayon no use na. nakopo!!
@pensucks: yup. kaya masayang masaya ako. hehehehe! yes, i included you. you are always welcome.
@jericho: chak! hahaha! ikaw talaga oo.. hahaha!
@tentay: masarap matutong magbisaya lalo na pag mga kaibigan mo ang nagtuturo sa'yo. ayoko kseng maging katulad ng ibang tagala dito na kahit ilang taon ng nananatili sa dumaguete eh d pa din marunong. hehehe!
sori na delete ko yung text mo
charot
hehehehehehe
ok lang yun
ganun talaga
at least alam mo na me mga taong nagbibigay oras sa ka eklatan mo sa buhay
ang emo nga ng text mo... kung ako rin makareceive ng ganyan, isipin ko na aalis ka or yun nga...
hehehe
Anong kadramahan to? ah. namamana ako sa kadramahan mo mico, makapagpadala din kaya? naku baka walang magreply at ibato pa saakin ang mobile phone nila! hehe
It's always good to know that someone cares for you :) Sarap din mag-emo paminsan! :D
You're still lucky dude, you know the Bisaya language ( I refuse to call it a "dialect" because Bisaya is a language not a dialect). Keep on blogging! :)
You're still lucky dude, you know the Bisaya language ( I refuse to call it a "dialect" because Bisaya is a language not a dialect). Keep on blogging! :)
@luisbatchoy: mokong ka talaga! hahaha! yup. korak! am just thankful na people still worry about ma kahit alam nilang engot ako. hehehe!
@gillboard: ewan ko nga ba. di ko talaga maiwasan. ewan kung bat ganun ako. emo nga ba talaga?
@roxy: may tama ka jan ate! it's really nice to feel your heart throbbing at malaman mong timitibok pa ito. chak! emo na naman. hahaha! ok lang yan ate. at least, may feelings pa tayo. chak!
@jake: language ba talaga ang bisaya? ewan ko ba dun. for as long na makakapag communicate ako sa mga tao dito at malaman nila ang nasa puso't isipan ko, eh masayan na ako. chak!
hala?! katakot naman kasi ung meseyds mo iho. hahahaha shyet parang emo suicidal lebel yung dating eh. :D
musta naman, buti ka pa marunong magbisaya. kadyot lang kadyot lang! hahahaha. ay.. bisaya ba yun?! :D
kaaaadyot laaaaaaang! (pasensha na feeling ko bisaya yan eh. bisaya nga ba?)
@Sibuyas: Opo.. Ang ibig sabihin nun eh "Saglit lang..." hehehe! emo suicidal ba daw oh. naks! suicidal ako noong 8 pa ako. chak! ngayon eh hindi na. mahal ng kabaong kaya. hahaha! joke!
cebuano is a language...Waray, Hiligaynon, Kinaray-a and Aklanon (Akeanon) are languages too...Philippine languages...Bisaya is a collective term for "Visayan" languages", which also refers collectively for people in the Visayas...
Pero Mico, kidding aside, wag masyado morbid ang posts. Sometimes you frighten me. Hehehe. Love life!
@luis: hehehe! i dont wanna argue with whether (tama ba spelling ko?!) it is a language or not. hehehe! basta alam ko bisaya lang. hehehe!
@jake: mabigat sa dibdib kase paminsan-minsan. hahaha!
hala mico, you frighten jake na daw sometimes.hehe
mabuti nga sa 'yo may nagrereply pag ngttxt ka ng ganyan, sa 'kin deadma ever ang mga friends.
hahaha bitaw mico, padayon lang kay kaning imong blog usa sa mga bitamina nako.
amping! ;)
@flinch: bitamina jud diay? hahaha! salamat abyan. chak! mura man kog sungguhon ani oi.
bitaw bitaw. kanang kang jake, ma okay ra nya na siya. lipay ra man pd bitaw ko nga mangreply pd sila. altho dili tanan at least naa pay naguol. wahaha! intawon.
Post a Comment