Maganda ang gising ko. Magtatanghali na noong ako'y nagising. Buti na lang at nasa tabi ko pa din siya - mahimbing na natutulog. Niyakap ko uli siya ng mahigpit sabay bulong ng, "Gandang umaga!" Mataas na ang sikat ng araw.
Hindi lang isang beses nangyari ang eksenang iyon. Kung iisipin nga eh parang araw-araw kaming nagkikita't nag-uusap. Nagkakakilanlan. Masakit mang isipin eh bilang na din ang araw ng pananatili niya sa Iloilo. Bawat araw pilit kong iniisip na ang lahat ng ito'y isang magandang panaginip lamang. Sa bawat araw na lumilipas ay siyang sakit na aking nadarama. Tila parang dahan-dahang hinihiwa ng isang mapurol na kutsilyo ang puso ko sa dalawa. Malalalim ang pagkakasugat. Waring hindi mahilom.
Naaalala ko pa nga ang mga sinambit niya sa akin, "Pag-umuwi daw ako ng 'Pinas eh h'wag na h'wag daw akong i-ibig."
"Ba't naman?" naitanong ko.
"Para maging madali ang lahat. Sa ganoong paraan eh wala akong pusong masaktan at ganoon din ako."
"Kaso, huli na din ang lahat," napabulong ako.
Hanggang ngayon, hindi ko pa din lubos maisip na naging bahagi siya ng buhay ko. Naalala ko tuloy ang journal ko noong hayskul. Pangalan niya kase ang gamit-gamit ko. Hindi ko kase alam na may taong ganoon ang pangalan - isang pangalang kathang-isip ko lamang.
Ilang araw pa ang lumipas at kinailangan na niyang umalis. Papalapit na ang araw na kinakailangan na niyang magpaalam. Halong lungkot at saya ang nadarama ko noong oras na iyon. "Sulitin na lang ang natitirang oras," pakonswelo.
Ako ang tipo na humihingi ng tanda sa lahat ng aking ginagawa - kahit ano - mapatrabaho, interview, pag-ibig. Ilang beses ko na ding sinubukan 'yan.
Isang araw, pa-uwi na kaming dalawa - hinahanap kase ako ni Mama kaya kinakelangang umuwi. Magkasalungat ang direksiyon ng aming pupuntahan. "Pag 'eto lumingon, akin siya."
Nag-antay ako. Umaasang lilingon siya. Malapit na siyang lumiko sa kabilang kanto. May pader kase. Ilang hakbang nalang. Sabay lingon.
"Akin siya."
Umuwi akong masaya. Napatalon ang puso ko.
itutuloy...
6 comments:
Wow, this particularly makes my blood jump. Can't wait for the rest of the story. But a question keeps nagging me...can he make the sacrifice of staying with you in Iloilo if he's really into you? I'm really looking forward to reading a happy ending to this. I hate tragedies. :)
@jake: hmm... am thinking about that same thing too. dont wanna ruin the story just yet. hehehe!
gosh napatalon din heart ko!
i'm wishing for a happy ending
grabeee na toh! greabeeeeh! ano ba? tapusin na kasi! Tse!
@leviuqse: kilig moments... andami nun. abangan na lang..
@lyka: pinag-iisipan nga din po. cge. :)
buti na lang lumingon. :)
kinilig ako ng sobra!!!
Post a Comment