Ano ba ang meron sa buhay at ba’t parang lahat ng tao ay nag-aasam ng mga bagay na hindi naman nasasalat? Kailan pa kaya nila maiintindihan na tanging pag-ibig at pagkakaibigan lamang ang mga bagay na makabuluhan? Dahil doon, tayo ay nagiging malungkot, nagiging marupok. Hinuhusgahan natin ang ibang tao. Nakakasakit tayo. Lingid sa ating kaalaman na sa bawat mapangahas nating ginagawa ay unti-unti natin sinasaktan ang ating mga sarili. Oo, nahihilom din ang sugat nito. Kasabay ng paghilom nito ay ang panghabang-buhay na pilat na hindi mabubura ng panahon.
Lahat ng ito ay mga kapighatian ko – ang pagbabago ng aking mga nararamdaman, aking mga pananaw, at ng aking pagkatao.
Madalas, maingay ako sa silid-aralan. Sabi nga ng mga kaklase ko, kulang daw ako sa pansin. Sabi naman ng iba eh nahihibang na daw ako. Ginagawa ko lang naman iyon sa pag-aakalang makakalimutan ko din ang lahat. Ayoko lang naman kaseng maging malungkot pagna-aalala ko ang mga bagay.
Paminsan-minsan nama’y nagtataka sila kung ba’t tatahimik na lang akong bigla. “Wala ito,” tanging naisasagot ko. Naghahanap ng katahimikan ang magulo kong isipan. Dinadamdam ang bawat pintig ng aking puso. Masayang malamang buhay pa ako at nabigyang muli ng pagkakataong magawa ang mga bagay na dapat kong gawin – na magmahal ng walang kapalit.
Ang bilis ng oras. Parang kelan lang noong siya’y umalis.
“Nalulungkot ako ngayon kase wala ka. Nalulungkot ako kase nangungulila ako sa’yo. Nalulungkot ako. Hindi ko alam kung bakit. Ewan. Basta.”
Ang dami ko nang pinagdaanang kabiguan sa aking buhay. Ganoon pa man, lahat ng iyong ay naging panandali-an lamang. Binuksan ng pagkakataon ang aking mga mata sa mga katotohanang nakapalibot sa akin. Kung minsan, nabibigo akong kilalanin na ang dami pala ng mga bagay na dapat kong pasalamatan. Naging bulag ako – nabulag sa kadahilanang nakikita ko lang ang gusto kong makita. Bingi ako dahil naririnig ako lamang ang mga gusto kong marinig. Ang mga Unti-unting nananalaytay sa aking ugat at unti-unti intong nilalason ang aking isipan. Alam ko na ang dami ng hindi sumasang-ayon dito.
Sabi nga ni Ina dati, miserable daw ang buhay ng tao kase pinili niyang tahakin ang ganoong landas. Kaya nagiging matigas hindi lang ang ulo ng tao pati na rin ang puso neto. Hindi natin namamalayan na ang mga bagay na ating ginagawa ay hindi na tama. Na tayo ay nakakasakit na. Ako ay miserable kase ginusto ko iyon. Siguro kailangan ko pang buksan ang aking puso, makinig sa mga dapat kong pakinggan.
Ang daming pagkakataong tinatago natin ang totoo nating nararamdaman. Natatakot tayong husgahan. Nalilito ako. Hindi naman kase lahat ng tao ay ganoong landas ang tinahak. Siguro nagbunga ito dahil sa mga bagay na ipinapakita ng lipunan. Nabubuhay tayo sa mapanlinlang na mundo. Nagbabalat-kayo.
16 comments:
hay pag-ibig... di ko alam kung bakit sadyang may mga taong iniisip na ito lang ang maaaring magpaligaya sa isang tao.
ang sarap kaya ng pakiramdam na may napapaligaya kang tao (sa pagtulong, pagkakawanggawa) mas nakakataba ng puso yun. tapos di ka pa mamomroblema sa selos, pagbili ng regalo, lahat ng sakit ng ulo na dala ng pagpasok sa isang relasyon.
di ko sinasabing di masarap magmahal, pero ang akin lang, di ka lang dun pwede maging maligaya.
haaay... isang emong post ito brad ah. ganyan talaga ang life parang buhay. hayaan mo kaya mo yan...
I am kind of going through that phase. I agree with gillboard somehow, There are a lot of things that can make us happy, not just love.
@gillboard: nauunawaan ko po. salamat sa paalala. =) totoong hindi lamang sa pag-ibig lang nagiging masaya ang tao. pero sa ganoon pamamaraan, ang pag-ibig na pinapaunawa ko ay ang pag-ibig hindi lamang pangromansya kundi yung pag-ibig na galing sa pagiging magkaibigan. nagmamahal ka hindi lang sa jowa kundi pati na ang mga kaibiga't kapamilya mo. sa ganoon paraan, nagiging matiwas ang buhay ng tao. walang gulo. pag walang gulo, magiging masaya tayo. =)
@pensucks: ganyan talaga ang buhay. unti-unti ko pan din itong inuunawa. salamat!
@roxy: lahat naman siguro tayo ang napagdaanan, pinagdada-anan o agdada-anan pa ito.
matinding emo ito, mico. sa sobrang emo, ang lalim ng tagalog.
akala ko nabuhay si francisco balagtas. in prose form.
talikuran ang pagbabalat-kayo. magpakatotoo.
hindi ganun kadaling maging tutoo kung nasanay kang maging huwad
pero kung dati na, lagi na, at lagi pang nabubuhay sa pagpapakatotoo, walang kahirap hirap. Masarap at napakamapgpalaya ang maging tutoo. Pero kung pinipigilan ka ng mga kung ano anong rason na sa tingin mo ay napakahirap magawa ang magpakatotoo, sige lang, bukas, pwede mong subukan.
oo nga mico ... malupit ang emo nito... ;) we should be true to ourselves and to others (a message for gloria arroyo ... hehe)
@kiks: hahaha! binuhay ba naman si bonifacio. chak! hahaha! salamat sa paalala. I will do that. it's just that i am too afraid.
@luis batchoy: sanay ako sa pagiging huwad sa akin mga nararamdaman. dahil nga lang doon eh iba ang nagiging interpretasyon ng tao kaya kung maaari eh tinatago ko na lang.
@echo: yes i totally agree. mahal na ang bigas. so mahal na din ang maging emo! goodbye emo! goodbye gloria! wahahaha!
mico! pinalulungkot mo kami, umagang umaga T________T
@leviuqse: pasenxa na po.. di na po mauulit. :)
You're YOU again Mico hehe. Send this to that lady in Malacañang and the Gucci Gang hehehe. Chak!
@jake: hahaha! may e-mail si Gloria? hahaha! maitext nga... chak! hahaha!
Wow ang ganda! Tama si Kiks... pang-Palanca! Chos!
Seriously, wag na nating isipin ang nakaraang nagbigay sakit at hapdi sa ating mga puso. Dahil ito ang maka-hadlang sa ating paroroonang makulay na bukas!
O di ba?
@Lyka: chak! Palanca ka jan! Hahahaha! Ngayon lang po ito. CHak! na nosebleed tuloy akong bigla. Salamat talaga.
Post a Comment