Naka-ilang bote na ako ng beer nung gabing yun. Marami-rami na din ang nainom ko. Ni hindi man lamang ako nalasing. Umiinom ako pero hindi ako lasinggero kaya ang laki ng pagtataka ko kung ba’t hindi man lang ako nahilo o nasuka. Mag-aalas tres na ng madaling araw. Ang bar ay malapit nang magsara. Naghahanap pa ng maiinom ‘tong lalamunan kong sabik sa alak.
Masaya ako pagkasama ko ang kaibigan kong ‘yon. Matinong kausap – kahit anong topiko mang pag-usapan eh siguradong may alam siya. Kaya nama’t tinitingala’t nirerespeto ko siya. Inglesan kami kapag kami’y nagsama. Inglesan din lang, eh di rin uurong ang lola. Napamahal na sa akin ang kaibigan ko. ‘Yon nga lang hindi na kami masyadong nagkikita kase may syota na siya. Mahirap nang mapagkamalang mang-aagaw.
“Libre ka ba?,” tanong ng kaibigan ko. Tumaas ang kilay ko. Kako kase baka mebinabalak tong baklang ‘to. “Gusto ko pang uminom. Tara, maglasing tayo,” sagot ng lolang sabik sa alak. Sabay bayad sa lahat ng beer na naubos ko.
Magkasama kaming tatlo – ako, ang aking kaibigan, at ang isdang naghahanap din ng kanlungan sa malawak na karagatan- lumabas sa bar. “Gusto ko pang uminom,” pa-iring kong sinabi sa dalawa habang nag-aabang ng taxi. Wala ng ulan sa mga oras na ‘yon at ang lupang uhaw ay basa sa luha ng kalangitan. Maginaw. Malamig ang simoy ng hangin.
“Ma, Q po tayo,” tumaas lalo ang kilay ko. “Akala ko ba’y iinom pa tayo? Ano’ng gagawin natin dun? Eh ‘di ba motel ‘yon?” tanong ko. “Loka, may beer dun. Sa ganitong oras ba naman eh wala na sigurong bukas na bar na pupwede nating mapuntahan,” pangiting sagot ng kaibigan ko. Kung titingnan mo eh parang may naka-akbay na demonyo sa balikat niya. Loko nga talaga! Ang isda, tahitahimik lang. ‘Di nag-iimik. ‘Di nag-iingay. Misteryoso pa sa akin ang pagkatao niya. Bahid ng lungkot at saya ang mukha niya. Ganun pa man, kalmado pa din siya. Isang bagay na nakakuha ng atensyon ko. Sabay kabog ng aking dibdib. ‘Di ko pinuna. Pero naging magaan ang loob ko sa kanya.
Tahimik kaming pumasok sa taxi. Ang kaibigan ko’y naupo sa harapan habang kaming dalawa nama’y nasa likuran. Kung titingnan mo, nasa magkabilang dulo kami ng taxi – siya nakadikit sa bintana habang ako eh parang na-mighty bond sa pintuan. Ang tahimik. Nakakabingi. Ang tanging maririnig mo lang ay yung tunog ng makina ng sasakyan. Nakaka-ilang.
“Mikee, mag-usap nga kayo. Nabibingi kase ako. Ang tahimik ninyo.”
Mikee ang tawag niya sa akin. ‘Yon ang naging palayaw ko sa grupo namin. Ako kase ang bunso. Gasgas na kase ang pangalang Michael kaya pinalitan nila. Michael hanggang sa Mikee hanggang sa naging Mico na ito.
“Ah ganun ba? Eh ano bang dapat naming pag-usapan?”
“Kahit ano, tungkol sa buhay-buhay. Kahit ano. Basta mag-usap kayo.”
Deadma pa din ako. Yung isda, ganun pa din. Parang walang narinig. ‘Di pa din umiimik. Kahit na nakarating na kami sa aming patutunguhan, eh wala pa din. Kainis ba naman! Magsalita ka nga!
“Magkano yung babayaran natin?” tanong niya. Salamat nama’y nagsalita na din. “Naku h’wag na. Ako na ang bahala,” pangiting sagot ng aking kaibigan sabay kuha sa kanyang pitaka’t binayaran ang mamang drayber. “Hala sige, pasok na tayo.”
Pers taym ko pang pumasok sa motel na yon. Maganda ang kwarto. Malinis. Malayo sa inaakala kong motel na pang-short time lang. Deretso ako sa kama. Malamig. Ang sarap sa pakiramdam habang akap-akap ko ang unan. Pakiramdam ko nawala ang aking pagod. Nawala ang aking pagkabagot. Alam mo yung pakiramdam na para kang nasa ulap. Parang walang problema. Sa ganun pagkakataon, nakalimutan ko lahat ng bumabagabag sa aking puso’t pagkatao. Wari’y nahilom ang sugat sa aking puso. ‘Di man nagtagal, sa maiksing panahon eh nakalimutan ko ang lahat. Nabuhayan ako.
“Kuya, tatlong beer nga. Salamat po!”
“Okay, time for you guys to get acquainted,” sabay baba sa telepono. Ngiti-an na lang kaming tatlo. Beer pa din ang nasa utak ko. Sabik sa lasa neto. Maliwanang ang kwarto.
“Are you in for a game? Sige, habang nag-aantay tayo sa beer, laro na lang muna tayo para magkakilanlan na kayo. Okay? Sige, TRUTH OR DARE ta’yo.” Natahimik ako. ‘Ni hindi man lang ako nakapag-ayaw o nakapag-oo man lamang.
‘Yon ang unang pagkakataong nasilayan ko ang maamong mukha ng isda. Tsinito. Maputi. ‘Yong tipo ng nilalang na maipagmamalaki mo sa mundo. May katangkaran din siya. Batid ko ang kanyang nararamdaman. Napangiti ako. Bumilis ang kabog ng puso ko.
Nagsimula na ang laro. Mabuti na lang at dumating na din ang beer. Kinakabahan ako. ‘Di din naman kase ako ang tipo na pagnakita mo eh mapapalingon ka. ‘Di naman ako kagwapuhan. Ang masaklap nga eh kung may nagkagusto sa akin eh hindi dahil sa gwapo ako pero dahil marunong akong kumanta. “Paano na lang kaya ‘pag wala akong musika? May magmamahal din kaya sa akin?” malungkot na tanong ko sa aking sarili.
“Sino ang ibinoto ni _____ noong nakaraang halalan?” Ang weird nang naging tanong.
“Si Bro. Eddy?” pabiro kong sagot sa kanyang tanong.
“Paano mo nalaman?” pagulat niyang tanong.
Tawanan kaming tatlo. TRUTH ang naging hatol sa kanya. Do’n ko na siya umpisang nakilala. Isa pala siyang Born-Again Christian. Kadahilanan kung ba’t si Bro. Eddy ang ibinoto niya. Ipinagpatuloy naming ang laro. Tanungan lang. Truth ng truth. “Mas mabuti na yaon, sa ganoong paraan eh makilala ko siya,” nakangiti ang puso ko. Tumagal ang ganong klaseng tanungan hanggang sa, “Ano ba naman kayo, wala naman ka-thrill thrill yang mga pinang-gagagawa ninyo. Wala nang TRUTH ha, DARE na lahat.”
Hanggang sa, “Ayan, Mikee, p’ano bay an, talo ka? Dare hindi ba? Sige nga, halikan mo nga siya.”
itutuloy...
5 comments:
GOSH mico exciting to!!
naku! and lupet! ba't mo pa pinutol. hehe
@leviuqse: kilig ako nung nagsusulat ako neto...
@flinch: ganun talaga... sayang ang suspense... hehehe!
magaling ka ngang sumulat.... next pls!
@lyka: salamat po...
Post a Comment