Custom Search

Tuesday, October 7, 2008

mAnGiLan - iLaN

Mangilan-ilan lang ang mga taong totoo sa mapangahas at malamig nating mundo. Alam nila kung papaano kiliti-in ang puso ng iba. Ang kaligayahan nila’y walang-halong pagbabalat-kayo, ang kanilang mga ngiti’y totoo at ang kanilang pag-kalinga’y hindi naghahanap ng ano mang kapalit. Makikita mo sa bawat kilos nila.

Mangilan-ilan lang ang mga taong nakakaguhit ng isang malaking ngiti sa aking mga labi. Mga taong tinutuyo ang bawat luhang dumadaloy sa ating mga mata. Ang puso nila’y bukas para kanino man – laging may nakalaang puwang sa bawat nilalang.

Sa unang tining, animo’y ordinaryong tao lang din sila. Titigan mo’t kilalanin at ang mga mata nila’y isinisiwalat ang tunay nilang anyo – na sila’y mga nilalang na hindi nagkukunwari’t bukas sa bawat pagbabago ng buhay. Kaibigan.

Ang pagkakaibiga’y ating kalinga – parang kumot na binabalot mo sa iyong katawan kung ika’y giniginaw; parang unan na hinihigaan mo kung ika’y pagod at inaantok; parang mga kamay na hinahawakan ka kapag ika’y nalulungko’t nangangamba; parang panyo, pinupunasan ang bawat luha mo.

Paminsan-minsan, dito natin hinugot ang ating lakas – parang init ng haring-araw sa tuwing ika’y nababasa sa ulan; parang musika na pinapawi ang iyong kalungkutan, pinapakalma ang magulo mong isipan; parang kaning binubusog ang kumakalam mong sikmura; parang balikat na iyong nasasandala’t na-iiyakan sa tuwing ika’y sinusubok ng panahon.

O hindi kaya’y bunga ng pagmamahal – parang isang inang hindi nagsasawa sa pag-aruga sa’yo; parang isang ama, haligi ng tahanan; parang ate na itinatago ang bawat sikreto’t kabulastugan mo; parang kuya na palaging handing umakay sa’yo’t palaging nandyan para sa’yo; parang si bunso na minamahal ka kung ano at sino ka pa.

Ang lahat ng ito’y nagpapaalala sa atin na may mga taong palaging nasa ating likuran – handang tumulong at magmamahal sa’yo. Sila ang mga taong nagbibigay sa’tin ng pag-asa, nagbibigay lakas at tiwala sa ating mga sarili, mga taong naniniwala sa ating mga kakayahan, mga taong hinding-hindi sumuko sa’yo. Mga taong nandyan sa bawat ngiti at unos ng iyong buhay.

Pamilya.

Kaibigan.

Tayo.

Ikaw.

Ako.

10 comments:

jericho said...

hi frienddddddddddddd!! ;)

Anonymous said...

Ang galing mo naman mg-sulat!

Anonymous said...

Love yer voice!

Luis Batchoy said...

matatas na tagalog at nakakalungkot...yes I love your voice too... syanag di ka nanalo dun sa Bongga Pop Sensation... Ikaw yun di ba? =)

Myk2ts said...

kaibigan, kamusta? nais kong iparating sayo na isa ako na maituturing na kaibigan. sa hirap o saya. sa gutom at kabusugan :)

Roxy said...

Bigla ko tuloy naalala ang kantang, (OO wag kang tumawa corny.)

in good times.. in bad times... Il be there la la la la la hindi ko na alam ikaw na bahala mag isip ng kadugtong.

cheers Mico. Mishu :P

TENTAY™ said...

micooo dahlennnnnnn i missheeed you so muchh!!! waaaa!!

Mico Lauron said...

@ echo : oi echo! hehehehe! mustamos ginamos?

@ havenlei : salamat sa puna. chak!! hehehehe!

@ ladyundercover.com : huh?! san nyo po ba ako narinig kumanta? anyhow, bahaw, maraming salamat! :)

@ luis batchoy : louie dear, you're still a mystery man to me. hehehe! yeah, i didnt win. hahaha! thanks for appreciating my talent. whoever you may be...

Mico Lauron said...

@ myk2ts : thanks for the friendship. chak! drama effect ata tayo ngyn ha... ei, missed you a lot! thanks for dropping by.

Mico Lauron said...

@ roxy : ROXY!!!! musta ka na? miss kita. salamat sa pagbisita.. hehehehe!

@ tentay : TENTAY MY LABS! buti nama't nagparamdam ka. sayang di kita naabutan. kumusta ka na? you've got lots of story-telling to do....