Noong labing-walong taong gulang pa lang ako, sariwa pa sa aking alaala na masaya kaming naninirahan ng aking ama't ina sa isang bahay sa tapat ng isang malaking puno ng mangga. Abot tanaw ng aking mga mata ang napakagandang biyaya ng kalikasan. Animo'y tirahan ng mga anghel sa langit, parang isang paraiso. Taglay ng bawat halaman ang kasiyahan na binibigay ng haring araw. Nakikipagsayawan ang mga paru-paro sa ganda ng mga bulaklak at ang malamig na ihip ng hangin ay dahan-dahang hinihipan ang mga dahon ng puno. Ang lilim nito ay nagsisilbing pahingahan sa mga naggagandahang ibon. Ito ang buhay na kinalakihan ko. Isang buhay na payak.
Lumaki akong kontento sa mga bagay na ipinagkaloob sa akin ng Poong Maykapal. Hindi ako lumaki sa luho ng tao at ng mundo. Naging masaya ang aking kabataan kahit binalot ito nang mga katanungan hindi masagut-sagot nang kahit sinong nilalang. Ganoon pa man, hindi ko hinayaan na ito'y maging hadlang sa kasiyahang aking tinamasa. At dahil doon, nagsimula ang aking paglalakbay sa paghanap sa kapalarang itinalaga ng Pnaginoon para sa akin.
"Nay, pasok na po ako."
"Pagpalain ka nawa ng Diyos."
"Salamat po!"
"H'wag mong kalilimutang magpunas ng pawis. Baka matuyo 'yan sa likod mo."
"Opo, Inay."
Ang nanay ang isa sa mga mapagkalingang tao na nakilala ko sa aking tanang buhay. Ang pag-aarugang kanyang ipinakita ay ang naging gabay ko sa aking paglaki. Alam ko na lahat ng iyon ang sapat na upang mamuhay kami ng masaya kahit na ang pagsasama namin bilang isang pamilya ay paminsan-minsan ding dinadaanan ng unos. Hindi man naging madali ang aming paglalakbay sa liku-liko't lubak-lubak ng kalsada ng buhay, naging matatag kami. Hindi ko maipagkakaila na ako din, bilang isang hamak na tao, anbg napapagod din. Sa mga panahong iyon, ipinapaalahanan ako ng langit na ang lahat ng ito'y malalagpasan din.
"Kahit ibon ma'y napapagod din," pumasok sa isip ko.
"Ngunit patuloy din silang lumilipad at nabubuhay."
Napagisip-isip ko na ang aking mga pag-aalinlangan ay unti-unting nawala at pilit itong napapalitan ng kagalaka't katiyakan. Inaamin kong may mga pag-aalinglangan pa din ako dahil alam ko na ang landas na aking tinatahak ay walang kasiguruhan. Iyon ang nagpapabagabak sa aking pagkatao. Dahil doon, naghahanap ang puso't pagkatao ko ng kalinga - isang bagay na hindi ko mawari kung ano.
Doon ko nakilala si Xander.
Itutuloy...
4 comments:
aba, may xander factor? :D
mas naexcite ako kay xander! nyahaha!
@ jerico: naman. ngayon lang ako nagsulat uli. susulitin na lang din. hahaha!
@wanderingcommuter: cge lang. makakarating din tayo sa excitement mo.
女主播聊天室 , 康福视频真人聊天室 , 视讯美女聊天 , 美女视频 , 好聊 , 视讯聊天室破解版 , 视讯主播 , 本土视讯聊天室 , 韩国视讯主播 , 韩国视讯聊天视频
Post a Comment