Custom Search

Wednesday, September 3, 2008

PamiNsaN - miNsaN

Paminsan-minsan, nabablanko ang utak ko - nawawalan ako ng ganang magsulat, kumilos o kahit mag-isip man lang. At dahil dito ay nangangamba ako. Hindi kase normal para sa akin ang maging ganoon. Naaapektuhan din po kase ako sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ko.

Mag-dadalwang buwan na ang nakalipas noong pinatawag ako sa opisina ng dean namin.

Ika-25 ng Hunyo. Katatapos ko lang magpraktis ng piano. Mag-aalas dos na ng hapon noong pinuntahan ako ng sekretarya namin. Hinahanap daw ako ni sir sa opisina niya. Nagtaka ako.

"Ba't naman ako pinapupunta sa opisina? Hindi na 'ata 'to maganda." Halong kaba at pag-aalinlangan ang naramdaman ko noong panahong iyon. Dali-dali akong pumunta sa opisina.

"Ate, gandang hapon po. Pinapatawag po ako?" tanong ko sa sekretarya.

"O, dong. Gipangita kang Sir. Nara daw siyay pangutana nimu (Oo, iho. Hinahanap ka ni Sir. Meron daw siyang itatanong sa'yo.)."

Kapag pinatawag ka sa opisina, sa pagkaka-alam ko, ibig sabihin noon eh may nagawa kang hindi kaaya-aya o hindi kaya'y may nagawa kang maganda na kanilang napuna. Kaso, ang nangyari sa akin ay yung nauna.

"Ayong hapon, sir. Imo daw kong gipatawag ('Gandang hapon, sir. Pinatawag niyo daw po ako?)?"

"O. Nara koy ipangutana nimu. Lingkod sa, dong (Oo. May itatanong lang sana ako sa'yo. Upo ka muna, iho)."

"Aw, unsa man diay na kabahin sir (Aw, tungkol ho ba sa'n yan sir?)?”

itutuloy...

8 comments:

Jake said...

You're really fluent in the Visayan language! I wish I can learn the same too.

Sus dong, bakit naman bitin? Kainis! Hehehe...

jericho said...

dong, kaya ka siguro ipinatawag kasi nambibitin ka sa blog.. lol

Anonymous said...

Hala, dili na maayo Dong. =p

Roxy said...

OO nga dong tama si jericho.

:P

Kiks said...

mala dubai diaries ba ito?

hehe.

Mico Lauron said...

@jake: Just arrived from Cebu kaya medyo natagalan ang reply. hehehe! Bisaya is really easy to learn as long as you have the heart for it...

@echo: hahaha! sarap kasing mabitin *wink* hahaha!

@mel bechkam: hahaha! bitaw bitaw... sagdi ra. naa pa nay sumpay.. hehehehe!

roxy: ei roxy dear! missed you a lot! hahaha! how are you?

@kiks: mula yan sa inaagiw kong utak kiks... hahahaha!

Anonymous said...

bitin talaga. hay mico...;)

you've been missed!

Anonymous said...

後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮