"Ang gwapo talaga n'ya!" sabay kurot ng kaklase kong si Fatima sa aking braso.
"Aray! Ano ba!"
"Si Xander!"
"Ha?! Sino'ng Xander?!"
"Si Xander my love. Yung Campus Crush! Oh my god!"
"Oist, baka tamaan ka ng kidlat jan!"
"Bilis, lumingon ka!"
"Ha? Ano ba?! Bakit naman?" Pilit akong pinalingon ni Fatima sabay hawak sa aking leeg.
Si Xander, kaklase ko sa Physics.
Ipinanganak si Xander na mayaman - malayo sa kinagisnan kong buhay. Siya ang tipo na mapapalingon ka't mabibighani sa taglay ng kagwapuhan. Maamo ang mukha. Parang anghel. Parang nakakatakot hawakan o lapitan man lang. Kahit daplis eh parang hindi ko magawa. Patingin-tingin na lang.
Napigilan ako. Natameme. Habang ang gagang si Fatima ay tumitili't tumatalon, sumasabay ang kabog ng aking dibdib sa kanyang ginagawa.
"Naku, akala ko kung sino," tanging nasabi ko. Deny.
"Asus! Sobra ka naman! Akala mo kung sino kang gwapo." Ang lokaret ino-okray ako.
"Sama mo naman makapagsalita!"
"'Di nga.."
"Eh totoo naman ah. Mas maraming pogi dun sa kabilang department o. Kung tutuusin nga eh mas gwapo ang tatay ko dun."
"Hmp! Panget ka!"
"Aba! Mas panget ka!"
Napigilan si Fatima. Napa-isip. Nakasimangot. Nagtatampo siguro sa akin.
"O s'ya, h'wag ka nang magtampo."
"He! Tumahimik ka!"
"Oo na, gwapo na ung Xander my loves mo."
"Talaga?!" Napangiti ang gaga. Sabay tili at lundag.
"Oo. Gwapo s'ya." Napa-isip ako.
Papunta kami sa opisina ng registrar para palitan ang iskedyul ng klase ko nung nangyari yun. Hindi batid ni Fatima na nagustuhan ko si Xander. Bawal kase yun dahil lumaki ako sa isang relehiyosong pamilya. Kung iisipin, baka dumeresto pa ang kaluluwa ko sa impyerno. Isa pa, tanging ako lang inaasahan ng inay sa aming magkakapatid. Bawal ang bakla sa pamilya. Napigilan ako. Natulala.
"Excuse me," si Xander.
Kinabahan ako.
Itutuloy...
Custom Search
Tuesday, July 20, 2010
Sunday, July 11, 2010
anG PuNo nG mAnGGa
Noong labing-walong taong gulang pa lang ako, sariwa pa sa aking alaala na masaya kaming naninirahan ng aking ama't ina sa isang bahay sa tapat ng isang malaking puno ng mangga. Abot tanaw ng aking mga mata ang napakagandang biyaya ng kalikasan. Animo'y tirahan ng mga anghel sa langit, parang isang paraiso. Taglay ng bawat halaman ang kasiyahan na binibigay ng haring araw. Nakikipagsayawan ang mga paru-paro sa ganda ng mga bulaklak at ang malamig na ihip ng hangin ay dahan-dahang hinihipan ang mga dahon ng puno. Ang lilim nito ay nagsisilbing pahingahan sa mga naggagandahang ibon. Ito ang buhay na kinalakihan ko. Isang buhay na payak.
Lumaki akong kontento sa mga bagay na ipinagkaloob sa akin ng Poong Maykapal. Hindi ako lumaki sa luho ng tao at ng mundo. Naging masaya ang aking kabataan kahit binalot ito nang mga katanungan hindi masagut-sagot nang kahit sinong nilalang. Ganoon pa man, hindi ko hinayaan na ito'y maging hadlang sa kasiyahang aking tinamasa. At dahil doon, nagsimula ang aking paglalakbay sa paghanap sa kapalarang itinalaga ng Pnaginoon para sa akin.
"Nay, pasok na po ako."
"Pagpalain ka nawa ng Diyos."
"Salamat po!"
"H'wag mong kalilimutang magpunas ng pawis. Baka matuyo 'yan sa likod mo."
"Opo, Inay."
Ang nanay ang isa sa mga mapagkalingang tao na nakilala ko sa aking tanang buhay. Ang pag-aarugang kanyang ipinakita ay ang naging gabay ko sa aking paglaki. Alam ko na lahat ng iyon ang sapat na upang mamuhay kami ng masaya kahit na ang pagsasama namin bilang isang pamilya ay paminsan-minsan ding dinadaanan ng unos. Hindi man naging madali ang aming paglalakbay sa liku-liko't lubak-lubak ng kalsada ng buhay, naging matatag kami. Hindi ko maipagkakaila na ako din, bilang isang hamak na tao, anbg napapagod din. Sa mga panahong iyon, ipinapaalahanan ako ng langit na ang lahat ng ito'y malalagpasan din.
"Kahit ibon ma'y napapagod din," pumasok sa isip ko.
"Ngunit patuloy din silang lumilipad at nabubuhay."
Napagisip-isip ko na ang aking mga pag-aalinlangan ay unti-unting nawala at pilit itong napapalitan ng kagalaka't katiyakan. Inaamin kong may mga pag-aalinglangan pa din ako dahil alam ko na ang landas na aking tinatahak ay walang kasiguruhan. Iyon ang nagpapabagabak sa aking pagkatao. Dahil doon, naghahanap ang puso't pagkatao ko ng kalinga - isang bagay na hindi ko mawari kung ano.
Doon ko nakilala si Xander.

Friday, July 9, 2010
aWakEninG
I have always wanted to have a brighter future - with all of my dreams coming true and all things I ever wished for would fall into place. I have been a child so optimistic about all these for so long. Often times, I go forward. I get amazed by what I see around me. It makes my feelings go galloping like horses not wanting to be tamed. I am bewildered because everything happens so fast. So fast that I don't know where I am and eventually, the downfall comes, I get stuck. I forget how to move forward. I struggle but I get fed up and tired which in turn made me settle for what is only beyond my reach. It made me stagnant.
Four years ago, I was wandering in the portals of a city I never thought I would relive my life - Dumaguete City. I was always fascinated by the thought that I have survived all the trials that came my way. It has enriched my knowledge, my skills, my discernment and my emotions. It was not easy. Looking back, tears cascade down my cheeks thinking of how I hate people, how friendships and pacts were broken and of how I wished things like those never had happened to me. Then, faces of those people slowly gush into my mind slowly filling my memory back again - the reason why I am always stuck in the past.
This is a come-back. A new beginning. My awakening from a long slumber. I was stuck in the past, but not this time. I have decided to move on. And yes, it is all up to me.

Subscribe to:
Posts (Atom)