Wednesday, September 10, 2008
TuLaY
Ang kanyang biglaang pagkawala ay isa sa mga pangyayaring hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Isa kasi siya sa mga taong humubog sa akin. Sa kanya ako humuhugot ng lakas sa mga panahong magulo ang aking buhay. Siya ang isa sa mga taong naniniwala na kayang-kaya kong lagpasan ang mag unos sa aking buhay.
Ika-21 ng Agosto, recital ko noon. Hindi naging maganda ang gising ko. Parang may mali. Parang may hindi tama. Ni hindi ko nga naitugtog ng maayos ang piano ko sa sobrang alala. Kinabahan ako. Yung kabang hindi mo mawari kung para saan. Malakas ang kabog ng aking dibdib.
Hindi ko natugtog ng tama ang piano ko noong umagang iyon. Mag-tatatlong minuto na ang nakalipas pero ganoon pa din ang aking naramdaman. Halong pangamba at takot. Hindi ko maintindihan. Kaya naisipan ko na lang na kunan ng video ang iba pang mga recitalists sa pag-aakalang mawawala din iyon.
"May tag nay mamatay, aron mu-okey na ang tanan sa COPA (Sana nama'y merong mamatay para maging okey na ang lahat sa COPA)," pabiro kong sinabi sa aking kaibigan.
"Bitaw sa?! (Oo nga ano?!)," sagot ng aking kaibigan.
"Lage. Kay ngano mang kinahanglan pa nga nay mamatay aron mawala ning kaplastikan diri na (Oo nga. Ba't pa naman kasing kelangan me mamatay para mawala ang kaplastikan dito)."
"Ana jud na (Ganyan talaga 'yan)."
Tawanan kaming lahat.
May konting katahimikan. Balik na naman kami sa mga recitalists.
"Kabalo ba mo, katong elementary pa ko, sige mig kuyog sa akong lolo (Alam niyo ba, yung lolo ko noong nasa elementarya pa ako, palagi kaming magkasama)."
"Mao ba?! Gaunsa man diay mo? (Talaga?! Ano naman ang ginagawa ninyo?)"
"Iya kong kuyugon sa mercado na (Isasama niya ako sa mercado)."
"Nya? (Tapos?)"
"Wa ra. Nakahinumdum ra ko nga kuyog mig palit ug pantat. Uli na tana mi, nya natagbu-an man namu iyang amigo sa taytay. Wa siya kabalo nga hadlok kaayo ko anang taytay kay sige baya nag uyog kung mu-agi nang mga sakyanan (Wala lang. Naalala ko na magkasama kaming bumili ng pantat. Uuwi na sana kami noong nakasalubong namin yung kaibigan niya. Hindi niya alam na takot ako sa tulay. Umaalog kasi kapag dumadaan ang mga sasakyan)."
itutuloy...
P.S. Naisipan ko pong hindi ituloy ang nailathala ko noong nakaraang linggo. May mga bagay na kailangan kong taguin sa mga panahong ito. Nawa'y maunawaan ninyo. Maraming salamat po!
Wednesday, September 3, 2008
PamiNsaN - miNsaN
Paminsan-minsan, nabablanko ang utak ko - nawawalan ako ng ganang magsulat, kumilos o kahit mag-isip man lang. At dahil dito ay nangangamba ako. Hindi kase normal para sa akin ang maging ganoon. Naaapektuhan din po kase ako sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ko.
Mag-dadalwang buwan na ang nakalipas noong pinatawag ako sa opisina ng dean namin.
Ika-25 ng Hunyo. Katatapos ko lang magpraktis ng piano. Mag-aalas dos na ng hapon noong pinuntahan ako ng sekretarya namin. Hinahanap daw ako ni sir sa opisina niya. Nagtaka ako.
"Ba't naman ako pinapupunta sa opisina? Hindi na 'ata 'to maganda." Halong kaba at pag-aalinlangan ang naramdaman ko noong panahong iyon. Dali-dali akong pumunta sa opisina.
"Ate, gandang hapon po. Pinapatawag po ako?" tanong ko sa sekretarya.
"O, dong. Gipangita kang Sir. Nara daw siyay pangutana nimu (Oo, iho. Hinahanap ka ni Sir. Meron daw siyang itatanong sa'yo.)."
Kapag pinatawag ka sa opisina, sa pagkaka-alam ko, ibig sabihin noon eh may nagawa kang hindi kaaya-aya o hindi kaya'y may nagawa kang maganda na kanilang napuna. Kaso, ang nangyari sa akin ay yung nauna.
"Ayong hapon, sir. Imo daw kong gipatawag ('Gandang hapon, sir. Pinatawag niyo daw po ako?)?"
"O. Nara koy ipangutana nimu. Lingkod sa, dong (Oo. May itatanong lang sana ako sa'yo. Upo ka muna, iho)."
"Aw, unsa man diay na kabahin sir (Aw, tungkol ho ba sa'n yan sir?)?”
itutuloy...